It's More Fun in the Philippines! Totoo ito dahil maraming mga tourist spots na mapupuntahan dito at talagang dinadayo ito ng mga turista. Marami na din akong napuntahang mga lugar dito na talagang nakakamangha ang mga tanawin at ang kasaysayan ng lugar na iyon. Kaya ngayon, ibabahagi ko sa inyo ang aking naging karanasan sa aming Field Trip....
Disyembre 14, 2018, Biyernes, saktong alas kwatro ng umaga nung kami ay pumunta na sa pinag usapang lugar kung saan iintayin ang bus. Kasama ko ang aking mga kaklase at pinag usapan ang aming mga pupuntahang destinasyon habang inaantay ang bus. Sa mga pupuntahan namin, ang Enchanted Kingdom palang kasi ang nararating namin kaya iniisip namin kung ano ba ang itsura ng iba pang destinasyong pupuntahan namin. Nung dumating na ang mga bus ay agad kaming sumakay at papunta na sa aming unang destinasyon. Sa San Juan City, Metro Manila kung saan matatagpuan ang KKK Museum na aming pupuntahan.
Pag sinabi nating "San Juan City" ang iisipin agad ng mga tao ay puro Pamilihan o Shopping Malls at marami ding Funeral parlor or parlor para sa mga patay. Pero alam niyo ba na ang San Juan City ay saksi sa maraming makasaysayang pangyayari.
KKK Museum
Unang Destinasyon
Ayun na nga mga ilang oras pa ang nakalipas at narating na namin ang KKK Museum o Museo ng Katipunan. Sabi ng tour guide namin nasa Pinaglabanan shrine daw kami at sa loob pa makikita ang Museo ng Katipunan. Inaantay lang namin na tawagin kami at papilahin bago pumasok sa loob ng Museo....
Pagka pasok namin sa loob ng museo ay may mga staff na nag tour sa amin. Pero bago pa man yun may pinanood muna sa amin na tungkol sa buhay ni Gat Andres Bonifacio at kung paano nabuo ang KKK o Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Pagkatapos nun, ipinaliwanag sa amin kung ano ang mga hindi pwedeng gawin o dalhin sa loob ng Museo. Pwedeng kumuha ng litrato pero bawal itong lagyan ng flash. Dahil yung lightning na nanggagaling sa flash ay maaaring makasira sa mga kulay o maka apekto sa kalidad ng mga paintings at artifacts. Bawal ang mag ingay at bawal din mag dala ng pagkain sa loob ng museo. Ngayong alam niyo na ang mga bawal sa loob ng Museo, edi tara na at ipapakita ko na ang ilan sa mga nilalaman ng Museo ng Katipunan.
Dekalogo ng Katipunan
Ang Dekalogo ng Katipunan, ito ay ang mga katungkulang gagawin ng mga anak ng bayan at mga batas na kailangang sundin ng bawat Katipunero na isinulat ni Andres Bonifacio.
The Katipuneros
![]() |
Monochrome Portrait Paintings na tumutukoy sa mga kilalang Katipunero |
Artifacts
Natutunan ko din na ito palang mga sandata na ito ay ginamit ng mga Katipunero noong 1896 nang mangyari ang Philippine Revolution.
Ito palang mga anting-anting na ito ay pinaniniwalaang may mahiwagang gamit. Akala ko dati biro lang ito. Yun pala totoo base din sa napanood ko noong bata pa ako. Yung Asian Treasures na Pinalabas dati sa GMA.
![]() |
Reproduction KKK Documents |
![]() |
Anting- Anting Vest |
Isa pa sa mga makikita niyo sa loob ng Museo ay ang mga dokumento ng KKK at ang Anting-anting Vest.
The Interactive Touchscreen
Sa Interactive Touchscreen terminal dito natin makikita yung iba't ibang sagisag ng KKK at dito din makikita ang detalye kung saan ipinanganak si Andres Bonifacio sa Tondo at kung saan itinatag ang KKK na samahan.
Itong litrato na to ay nagpapakita ng kabayanihan at kung ano ang mga naiambag ni Gat Andres Bonifacio. Kaya siya ay kinikilala at binibigyang parangal ng ating bansa.
Kung ikaw ay nag hahanap pa ng ibang impormasyon tungkol sa buhay ni Andres Bonifacio na wala sa mga libro, itong Museo ng Katipunan ang dapat mong puntahan. Dahil sa buong Metro Manila ito lang yung nag iisang museo na nagbibigay ng buong detalye tungkol sa buhay ni Gat Andres Bonifacio. At alam niyo ba na LIBRE lang ang Entrance dito dahil ang layunin ng Museo ay maipalaganap ang kasaysayan ng katipunan para sa lahat. Ang Museo ng Katipunan ay matatagpuan sa 29 Pinaglabanan Street, Brgy. Corazon De Jesus, San Juan City, Metro Manila.
Bumalik na kami sa aming sasakyan at papunta na sa susunod na destinasyon. Ang Pasig Rain Forest..
Rave Rainforest Park
Pangalawang Destinasyon
Ang Pasig City ay isa sa mga lungsod na bumubuo sa Metro Manila. At ang pupuntahan namin ay ang Pasig Rainforest. Ito ay kilala sa tawag na Pasig City Rainforest Adventure Experience o (Rave Rainforest Park). Dito kami nag Christmas Party at maayos naman ang kinalabasan ng program. Masarap din ang mga pagkain na pinag handaan talaga ng aming paaralan. Nung matapos kami kumain ay naglibot libot kami. Napansin ko na may Palaruan pala dito ng mga bata, Riles ng tren na parang di na nagagamit, Swimming pool. May mga statwang dinosaur din katulad sa Dino Island.
Naglalakad lakad kami dito ng biglang naging literal na rainforest kasi umuulan na. kaya agad kaming humanap nang masisilungan. Sa tingin ko mas maayos kung pupunta dito ng hindi umuulan para makapag libot talaga. Kasi malaki ang Rainforest sayang kung hindi malilibot ng buo. Isa pa ihanda niyo na ang camera niyo pag pupunta kayo dito. Kasi kahit saan dito pwede ka mag picture... Hindi na kami nakapag libot masyado kasi umuulan at kailangan na naming makapunta sa last at masayang part ng Field Trip. Ang Enchanted Kingdom. Sabi nung Tour Guide namin mga isang oras nandun na kami. kaso naabutan nanaman ng traffic...
Enchanted Kingdom
Pangatlong Destinasyon
Ang Enchanted Kingdom ay matatagpuan sa Santa Rosa, Laguna. Isa itong amusement park na kung saan ay mga rides at may palaro. Ayun na andito na kami sa Enchanted Kingdom at pinag uusapan na namin ng kaibigan ko kung saan kami unang sasakay. Pag pasok namin sa EK ang daming tao at may mga kasabay din kaming mag field trip galing sa iba't ibang paaralan..Napag kasunduan namin na Rio Grande ang una naming sasakyan kaso ang haba ng pila. Kaya nag libot libot kami hanggang sa nakita namin ang Space Shuttle na hindi ko pa nasasakyan. Kaya dun kami pumila kasama ang iba pa naming kaklase at ang aming magandang guro.
Mabilis umusad ang pila dito kaya lalo kaming naeexcite! Yung iba kinakabahan na parang gusto na umalis sa pila pero ako relax lang. Hindi ko pa kasi nararanasan kaya hindi ako natatakot o kinakabahan. Malapit na mag gabi pero nasa labas padin ang pila namin. Space Shuttle, Here I Come!!
Ilang minuto pa ay sa loob na kami naka pila. Mahaba ang pila lalo na sa loob pero hindi na kami umatras pa dahil sayang naman yung pinila namin ng kay tagal kaya tinuloy na namin. hindi naman naging boring yung pila kasi ang lalakas ng mga trip nung kaklase namin eh hahaha! Ilang Oras pa ang inintay namin. Ayan na kami naman ang sasakay. Umupo ako dun sa bandang gitna na pwesto tapos binaba na yung safety na nakalagay sa may dibdib. Habang paakyat yung sinasakyan naming roller coaster napatingin ako sa taas. Ang ganda ng tanawin tapos biglang bumaba na yung sinasakyan namin... nakadilat lang ako kasi ang lupet sobrang lupet. Kung hindi ka nakadilat di mo maeenjoy yung ride na yun.
Next ride naman ay yung Flying Fiesta. Swerte kasi konti nalang naka pila kaya isang pilahan agad pasok na kami. humanap na agad kami ng upuan. Masaya din sa Flying Fiesta Enjoy din kahit malapit na mag sara ang EK. Gabi na rin nun at Umiikot nalang kami sa Enchanted Kingdom at maya maya ay pinabalik na kami sa bus para umuwi na. Ako na ang nag sasabi sainyo na 100% na mag eenjoy kayo dito lalo na kung kasama ang pamilya o kaibigan niyo. Kaya kayo tara na dito sa Pilipinas. Because It's More Fun in the Philippines!
1xbet korean - legalbet.co.kr
ReplyDeleteIn most soccer leagues, it can be played by a third party. In other soccer leagues, it can be 1xbet com played as a single team or as a team by third party,